Boredom is killing me!
.
MILK
Magandang gabi :)
Minsan ayaw mo talagang umiyak pero di mo na mapigilan. Pag pinigil mo pa, ang sakit na sa dibdib, parang may nakabara. Di ba?
meow, cuddle weather :3
lintek na thesis di matapos tapos, checking na dapat mamaya para implementation na sa Lunes. dafuq. we’re doomed.
I was feeling adrift today, lacking interest to everything.
Played Neighbours from Hell to let time pass. Kahit maglaro, ang lungkot padin :(
Decided to go somewhere and try to look for peace of mind. I know I can’t work on my thesis on this condition.
Tried asking an old friend out to meet and talk about his thesis (my commissioned project) and maybe go for a walk around Manila like we used to. Unfortunately he’s with his “tropa” daw.
Went directly to Manila Post Office, I know the place would at least lessen my worries. I love being there, I love watching people in Plaza Lawton from its stairways, I love how the sun sets on its east, I love watching the fountain, I love sitting on the facade where I can freely sing to myself, I love finding myself smile as the ambiance reminds me of those days I was sitting beside him on that very same place.


Philippine Flag in Manila Post Office

After an hour, I headed to Intramuros for a walk.
Nakakaaliw tignan yung mga estudyanteng nakatambay dun, may mga nag gigitara, nagkwekwentuhan, at ilang gaya ko na nagpapalipas lang ng oras at nagmamasid masid. Syempre di mawawala yung mga pangilan-ngilang couples sa eksena. Eksaktong ala sais nasa tapat na ko ng Lyceum. Kitang kita yung Manila City Hall from there. Masaya sana kung may kasama ako nun, napansin ko ring ako lang yata ang mag-isang naglalakad dun. Nagtext naman ako sa ibang mga kakilala, “Nasan ka?” Dalawa lang yung sumagot, yung isa nasa bahay, yung isa naman pauwi na. Karamihan sa mga kaibigan(closest) ko ngayon, taken o di kaya busy sa work. Hindi ko alam pero sa oras na yun narealize ko, mahirap pala talagang mag-isa. Tatlong taon akong nasanay na palaging may kasamang mag lakad, gumala, kumaen at kakwentuhan kaya siguro nagiging mahirap ngayon sakin yung ganito. Akala ko dati okay lang, na pag nasanay ka, at makukuntento na ikaw lang magiging masaya ka na, pero minsan hindi padin pala sapat yung pagiging kuntento dahil may mga ilang bagay sa paligid mo na magpapaalala sayo kung gano kasaya magkaron ng kasama(kaibigan man o better half). Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi naman siguro laging ganito, kaya mas mabuting ienjoy ko nalang muna. Isa pa, parang sa paglalakad ko, unti unting nalalaglag yung worries ko(baliw lang eh haha). Ewan, siguro dahil nakakarelieve ng lungkot yung mga bagay na naaalala ko mula sa mga bagay/tao/lugar na nakikita ko.
At exactly 6:13, I reached the Intramuros gate and thought of another place to go. I was wondering if I’ll go southward with my feet or ride a jeepney. I chose the latter for I don’t know which way would bring me to Kalaw or Pedro Gil.
Mabini yung route ng sinakyan kong jeep, sa naaalala ko nang maligaw at malate ako dati, yun yung route ng nasakyan ko noon. Nakatingin sakin yung estudyante sa gilid ko, tapos yung nasa harap kong babae cute, yung katabi ko naman, nagpanic nang nakita nyang hindi sa Taft nagdaan yung jeep. Nabadtrip siya at nagpanic, natawa ako dahil naalala ko ang sarili ko sa kanya, ganung ganun din yata yung reaction ko noon. Pagdating ng Luneta, saka siya bumaba. Pagdating ng Kalaw bumaba narin ako. Di ko alam kung san ako dadalhin ng paa ko kaya sinundan ko nalang kung anong makita ko which brought me to Maria Orosa St. Sa intersection ng street na yun at ng U.N. Avenue, andun yung Mcdo katapat ng Chowking. Dun kami usually banda kumakaen dati(naalala ko nanaman), paborito kong lugar yung Mcdo dun kasi di gaanong matao. Sa paglalakad ko, may nakita akong couple, nag overtake ako sakanila at dun ko nalaman na sila yung classmate ko sa PE 2 nung first year ako. Noon palang, sila na at halata namang hanggang ngayon sila parin. Nakakatuwa sila, palagi ko kasi silang nakikitang magkasama at sa loob ng apat na taon, ang tatag padin nila. Ang swerte nila, swerte sila sa isa’t isa :) Sana hanggang sa paggraduate at trabaho sila pading dalawa. Sa dulo ng Maria Orosa ay Robinson’s Ermita (Faura Wing). Pumasok ako at nagmasid masid ulit. Hindi ko alam kung san talaga ko pupunta nang bigla kong maalala yung pet shop na pinupuntahan ko noon kaya hinanap ko yun ulit pero pagdating ko sa 4th floor, wala na ito. Salon and Spa na yung pinalit sa pet shop :(
6:42 I stepped out of Robinson’s National bookstore and took a ride to Dapitan. I headed to Moonleaf Teashop, Dapitan. It was months ago since I have been planning to go there. I ordered this and had my way home.

I reached home at 8:34pm. Oh I forgot, Zarren was with me the whole time, playing songs, recording videos and taking photos. hahaha

Antok na nga kasi ako eh, but I shouldn’t stop until I’m done. -.-“
Mag didinner muna ako (yes, you read it right. DINNER). Di ako kumaen pagkadating ‘cause I felt like throwing up. Something’s wrong with my body, I look so pale and feeling thirsty very often :(
eh hindi padin ako nagbibihis at pumapasok, kinakaen ako ng katamaran ko :( (Taken with instagram)
I’m a geek! :)) (Taken with GifBoom)

wolo long tnry ko lang bagong app for gif :)) sadly ayaw ako makaregister ng account, server chuva daw :3 sana next week maayos na sya :|
lucky padin coz i can still create gif throug it :) no hassle na :D no need to create one on photoshop ;) i love the app already! ♥